Destiny..
Most of us ayaw maniwala na may forever, I don't know pero like me hindi naubusan ng faith na may tamang panahon sa tamang pagkakataon. Maraming beses din ako nasaktan, sumubok pero dumating yong araw na may isang tao talagang nakalaan para sayo.. Sya na yong "Akaito" na binigay para sakin.
Maraming beses din naman ako nasaktan kase sabi nila once naman na nagmahal ka palaging kasama yon, kase hindi matatawag na perfect yong relationship mo kung walang problema, kase part ng relationship yong pagsubok. Siguro yong iba kaya mabilis na sumuko dahil natakot na sila, which is hindi ko naman sila masisisi kase, nagmahal ka na nga e sinaktan ka pa. Ooopsss oh ano tinamaan ka noh? But don't get me wrong ha, kase gusto ko lang open yong mind mo about this matter, kase marami yong nagmahal na nauwi sa pagiging bitter. Madalas nakakabasa ako ng mga nakakatuwang message sa facebook, sa twitter or kung san pa man, para lang mailabas nila yong sama ng loob nila wala na sila pake-alam sa mga taong nakakabasa about sa status nila, which is mali kase isipin mo ha unang-una karamihan nating friend sa facebook e hindi natin kilala, pangalawa hindi lang ikaw ang may problema pero still inaraw-araw mo na yong pagpapakita ng feelings mo, yon din kase ang mali sa atin pwede naman straight to that person nalang diba, kase panay ang patama mo ang tanong ba e may pake pa sya at malay ba nya kung para sa kanya yon. But anyway sinusubukan ko lang naman mabawasan ang mga bitter sa mundo, kase alam mo ang sarap magmahal, kahit na paulit-ulit mo nararanasan ang masaktan aminin mo nagienjoy ka din diba? Kase nga dapat ang relationship is equal, hindi pwedeng palaging masaya.
Honestly speaking lahat naman naghahanap ng true love, pero wag ka mainip kase darating din naman yong para sayo. Maging ako din naman e matagal ko bago natagpuan yong true love ko, hindi kase porket nagkakaron ako ng lovelife noon e true love na, iba yong pakiramdam ng true love sa love lang. Yong true love kahit na anong unfair ng isang tao sayo still nandyan ka nagstay beside kase mas matimbang yong nararamdaman mo pagmamahal sa kanya, yon ang nakita ko sa taong mahal na mahal ko ngayon. Yong mga hindi ko nakita sa past relationship ko sa kanya ko nakita at talagang naramdaman, may isang tao ako kilala na halos sumuko na sa pagmamahal kase natakot na sya, pero natitemp sya na subukan ulit, pero ang problema she won't give it a try, ang love kase dapat handa ka sumugal kase pano mo malalaman kung sya na ba talaga kung halos inayawan mo na love dahil lang hindi mo mabitawan yong old and past relationship mo.
Lage nyo tatandaan na hindi kayo dapat sumusuko lalo kung yun yong desire ng puso nyo, kase aminin mo sa hindi naiinggit ka din sa tulad ko na kahit na pagkahaba-haba man daw ng prosisyon e sa simbahan din ang tuloy, just don't lose hope. Masarap magmahal kahit nasasaktan ka, basta alam mo lang kung pano mo balance yong relationship mo!
[Here's the story of mine, share ko lang sa inyo kung pano ko natulungan sarili ko maging masaya ngayon]
Bagon ko naman kase nakilala yong true love ko ngayon meron ako isang guy na inakala ko na sya na talaga, he is my ideal guy yong mga pangarap ko sa isang lalake nasa kanaya pero sa ugali hindi, well mabait naman sya sabihin na natin na ganon. Sa looks perfectly my type, ang height yong body built nya yong mukha nya so cool, we are perfectly inlove to one another andyan yong text, tawagan usap trough facebook, until one day he suddenly change. I don't know what happen to this guy, nagtaka ako kase hindi naman nya ginagawa yon e hindi ako sanay, then hindi ko na natiis na iask, sabi ko sa kanya may problema ka ba, ano nangyare sayo may iba kana ba? Nilunok ko yong mga tanong ko sa kanya para lang malaman yong sagot ok lang kahit na masakit yong sagot nya basta malaman ko, sinagot nya ako na unahin muna namin yong dapat namin unahin, at kapag ok na saka na lang daw ulit. Pero kahit ganon yong nalaman ko, hindi ko sya inaway wala sya masakit na narinig sakin, basta ang sinabi ko bakit hindi mo sinabi sakin maiintindihan ko naman, pero one day tinapat ko sya na sigurado kana ba na maghihiwalay na tayo? Sumagot sya na mas mabuti pa siguro na ganon para wala na tayo isipin naka focuse lang tayo sa bagay na ginagawa natin ngayon, tinanggap ko yon pero may sinabi ako sa kanya na "natatandaan mo ba yong sinabi ko sayo, na kapag nagkahiwalay na tayo, puputulin ko na lahat ng ugnayan ko sayo, sigurado kana dyan wala nang balikan ha?" sinagot nya ako ng "ganon.." at yon na yong huling usap namin na sigurado na ako na wala na dahil ako na mismo ang pumutol. Hanggang sa nawala na ko sa paningin nya, anim na bwan na nakalipas meron na ako bagong mahal, nong nagonline ako sa skype may message ako galing sa ex ko na kinakamusta ako namimiss daw nya ako, pati sa facebook ko nagfriend request sya dahil inunfriend ko sya noon. Pero kahit alin doon wala ako response sa kanya dahil para sakin natapos na chapter ng pakikipag usap ko sa kanya, wala na ako pake kung ano nangyayare sa buhay nya.
Ngayon may isang taong sobrang nagpapasaya sakin, hindi ko alam kung pano ba dumating yong taong to sakin, basta alam ko lang una nya ako kinausap, that time lonely sya nakipag kaibigan muna. His a good guy nakakatuwa kausap, unang date namin marami na kami napag kwentuhan wala ako masabi sa kanya, kase hindi naman sya yong ideal guy ko pero masasabi ko na lahat ng ok sa guy meron sya ang tindi ng sense of humor, at yon ang nagustuhan ko sa kanya. Ayoko maniwala sa kanya noon dahil kagagaling ko lang sa breakup pero mas malala yong nangyare sa kanya, sya ang sinaktan ng past nya. Naawa ako sa kanya at naisip ko ang tanga noong babaeng nakasakit sa kanya, dahil lang sa siguro nafall sa ibang guy yong girl. Noong nakausap ko yong taong mahal ko ngayon sinabi nya sakin na "Please save my heart" and for me hindi normal sa lalake na magask ng ganon sakin lalot hindi ko pa sya kilala ng todo, wala ako plano seryosohin yong sinabi nya pero sinikap nya na makuha yong loob ko, at yon ang sobrang naamaze ako sa kanya dahil walang nakakagawa non sakin. Sinabi ko na bakit hindi ko bigyan ng chance yong taong yon, hanggang sa unti-unting ginaguide ni God na etong taong to ang mahalin ko dahil pinaparamdam nya sakin na sya ang para sakin, hanggang sa unti-unti nagbubuo ng mga plano sa buhay na kasama ako, na para sakin sobrang ang sarap sa pakiramdam na kasama ako sa lahat ng plano nya at hindi normal sa lalake na magplano sya kasama babae. And now naniniwala sya sa forever gaya ko, pasensya na daw kung nalate lang sya ng konti pero pinapangako nya na mamahalin nya ako ng sobra. Ngayon nagiipon lang sya para maikasal kami :)
Kaya like me wag kayo maubusan ng pag-asa darating yong tamang tao sa tamang panahon basta wag kayo matakot na sumubok. Kayo rin ang gagawa ng sarili nyo love story, at isa rin yon sa ibabahagi nyo sa lahat.

No comments:
Post a Comment